Monday, October 19, 2015

Ang Bulag na Kwago




Ang Bulag na Kwago
(The Blind Owl)

I. Ang Bulag na Kwago - Sadeq Hedayat
    Mula sa Persia


II. Buod 
     Ito ay tungkol sa isang personal na karanasan. Ang tauhan ay nalulong sa alak, opium at iba pang ipinagbabawal na gamot. Siya ay mahilig magpinta ng mga disenyo ng mga sisidlan ng panulat. Dito umiikot ang buhay niya - sa pagpipinta at pagkalunod sa alak at opium. Ang sentro ng kaniyang mga pinta ay ang puno ng cypress, ang matandang lalaki at ang dilag na may hawak na lili. Isang araw, dumating ang kaniyang tiyuhin. Habang siya ay kukuha ng alak, nakita niya ang isang dilag. Siya ay sobrang natuwa. Kinuha niya na ang bote at bumalik na siya sa kaniyang silid. Paglipas ng mga araw, hindi niya na nakita ang dilag. Isang gabi, habang siya ay naglalakad, nabigla siya nang makita niya ito patungo sa kaniyang kuwarto. Sinundan niya ito at humiga ang dilag sa kaniyang kama. Naisip niya na baka may karamdaman o naligaw lamang ito. Binigyan niya ito ng pagkain at inumin. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ipinta ang babae. Nang magkamalay ito, ipininta niya ulit ito. Tinabihan niya ang dilag. Akala niya buhay pa ito subalit nung siya'y lumapit, naamoy niya ang nabubulok nitong katawan at may maliliit na uod na gumagalaw at dalawang gintong bubuyog ang umiikot dito. Sa kaniyang kalituhan, naisip niyang ilibing ang babae sa kaniyang kuwarto subalit may naisip siyang mas magandang ideya. Kinuha niya ang kutsilyo sa kaniyang tokador at hinati-hati ang katawan ng dilag. Tinakpan niya ito at inilagay sa isang maleta. Tumawag siya ng makakatulong, isang matandang kutsero, na nagbigay ng garapon kung saan niya maaaring ilagay ang mga larawan ng dilag. Nagpahatid siya sa malayong lugar at doon niya inilibing ang maleta kasama ng mga itim na lili at bato. Nang matapos siya sa kaniyang gawain, minasdan niya ang kaniyang sarili. Wala na ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso. Bumalik na ulit siya sa kaniyang kuwarto. Una niyang hinanap ang garapon na ibinigay sa kaniya. Nakita niya na hawak-hawak ito ng kutsero. Nakabalot ito sa maruming panyo at halukipkip na niya ito sa kaniyang kili-kili. Humalakhak siya: isang makatindig balahibong tawa. Nang siya ang nagsimulang gumalaw, umalis ang kutsero sa kaniyang silid. Nang tumayo siya upang habulin at ito, bigla itong naglahong parang bula. Bumalik sa sa kaniyang silid at binuksan ang bintana. Nakita niyang tangan-tangan ng kutsero ang sisidlan sa kaniyang sa kili-kili. Bumalik siya sa bintana at pinagmasdan ang sarili. Napansin niyang punit-punit ang kaniyang damit at napapaliguan siya ng dugo mula ulo hanggang paa. May maliliit na uod na gumagalaw at dalawang gintong bubuyog ang umiikot sa kaniyang katawan. Kaniyang naramdaman ang bigat ng kamatayan sa kaniyang dibdib.
     

III. Pagsusuri
   
      A. Uring Pampanitikan
          Ipinapakita rito ang kuwento ng sikolohiko na isang uri ng maikling kuwento. Ipinadarama nito           ang emosyon ng isang bagay o isang kalagayan.
     
      B. Tayutay
           1. ''Mabilis siyang naglahong parang bula.''
           2. Inihahalintulad ang kutsero sa bula dahil ang bula ay mabilis na nawawala.

      C. Sariling Reaksiyon

           1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya
               Ipinapakita rito ang pagdulog sikolohikal dahil binibigyang-diin ang mga gawi, pag-uugali                    at pagkatao ng tauhan.                                                                                                                                                                  
           2. Mga Pansin at Puna
               Ang tauhan ay isang adik. Siya ay sobrahan na sa alak at opium kaya't siya ay                                nagkakaroon ng hallucinations. Siya rin ay nagkakaroon ng split personality.

           3. Bisang Pampanitikan
               a. Bisa sa Isip
                   Huwag magpadala sa hirap ng buhay.
                   
               b. Bisa sa Damdamin
                   Huwag ikimkim ang mga problema sa sarili. Dudurugin ka lang ng mga iyan.
    
               c. Bisa sa Kaasalan
                   Huwag tayong gagawa ng masama at iwasan natin ang bisyo.
                   
               d. Bisa sa Lipunan 
                   Huwag natin sayangin ang ating mga buhay dahil lang tayo ay may mga suliranin o pinagdaraanan. Pahalagahan natin ito dahil ito'y napakahiwaga.

Rumi: Mga Tula ng Pag-ibig ❤

I. A. Rumi: Mga Tula ng Pag-ibig - Isinalin ni Mercedes Tulaylay
   B. Divan - i - shams - i Tabriz

II. Buod
     Ang tulang ito ay tungkol sa pagkamatay at muling pagkabuhay (reincarnation) at paniniwala sa        Diyos.

III. Pagsusuri
     
      A. Uring Pampanitikan
           Ito ay tula na pasalaysay dahil ito'y nagkwekwento tungkol sa kamatayan at   pananampalataya.
     
      B. Tayutay
           1. "Anghel na kaluluwa"
           2. Inihahambing ang kaluluwa sa anghel. Ibig sabihin ang kaniyang kaluluwa ay puro at banal.
         
      C. Sariling Reaksiyon
   
          1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya
              Ipinapakita rito ang Humanismo dahil ang tao ay ang panginoon ng kaniyang kapalaran.                     Inilalarawan din dito ng makata ang kamatayan kung paano siya namatay at nagbalik sa                   ibang katauhan.

          2. Mga Pansin at Puna
              Ang tauhan ay hindi natatakot sa kamatayan.

          3. Bisang Pampanitikan
              
              a. Bisa sa Isip
                  Huwag matakot sa kamatayan dahil ito'y kasama na sa ating kapalaran.

              b. Bisa sa Damdamin
                  Magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Magkaroon ng pagmamahal sa Diyos.

              c. Bisa sa Kaasalan
                  Ibalik ang pananampalataya sa Diyos.

              d. Bisa sa Lipunan
                  Tayo ay magbalik-loob sa ating Panginoon.